Return to the TAGALOG ArchiveForward to the Current TAGALOG discuss

hannahkrystelleThursday 01st of April 2004 11:14:14 PM
Answers to.... and more - i just copied this from another webby.. pasensya po.

The Accent Marks (Mga Tuldík)

The handiest tool for learning any language is a dictionary. All good Filipino dictionaries include accent marks or mga tuldík for each entry. It is important for any non-Filipino, and non-Tagalog too, to know what each of the tuldík marks signify. Once you know these marks and the Filipino vowels and consonants, you can pronounce almost any word properly without ever hearing it spoken by a Filipino.

If you have ever studied Filipino pronunciation before, you may have been bewildered by terms such as malumay, malumì, mabilís, maragsâ or mariín. These terms are used mainly by grammarians to classify words based on how they are pronounced. The good news is that you don’t need to know any of these terms if you just want to pick up a dictionary and find out how to pronounce a word. (However, we will discuss these terms later for those who are interested.) Let’s begin.

There are three basic accent marks (mga tuldík) in Filipino dictionaries. These are:

´ Pahilís (Acute)
` Paiwà (Grave)
ˆ Pakupyâ (Circumflex)

These marks are placed above vowels only and they do not change the sound of the vowels as they do in other languages such as French. They merely mark which syllables should be stressed or if a vowel should be clipped short with a glottal stop or both. Notice that the name of each tuldík contains the very accent mark it describes.

Pahilís /
The pahilís is the most common tuldík. It simply shows which syllable or syllables should be accented or stressed in a word. (Hilís simply means slanted.) To demonstrate what is meant by stress, here are some examples in English:

An óbject is a thing that you can touch or a concept that you can discuss. If you disagree with something then you may objéct to it.

A súbject is a topic or a citizen of a monarchy. A tyrant may subjéct his citizens to cruel oppression.

A cómpound is something made up of several parts or an enclosed space. If you compound a problem you make it worse.

An áddress usually identifies a location such as where you live but if you give a speech you must addréss the audience.

As you can see, the placement of the stress can make a big difference in the meaning of a word. This is especially true in Filipino. For example:

báta (bathrobe) > batá (suffer)
bíhis (style of dressing) > bihís (all dressed up)
bútas (hole) > butás (punctured)
gáling (come from) > galíng (skill, luck)
hápon (afternoon) > Hapón (Japanese)
samantála (meanwhile) > samantalá (take advantage)

Special note:

So many Filipino words are stressed on the second to last syllable that it is common to omit the pahilís mark when it falls in that position. (These words are classed as malumay or banayad.) So, when you see a word in a Filipino dictionary without a tuldík, just pronounce it as if there were a pahilís mark above the second last syllable. Example:

babae = babáe
lalaki = laláki

mabuhay = mabúhay
mabuti = mabúti

umaga = umága
hapon = hápon

Paiwà \
The paiwà mark is found only at the ends of words. It does not mark a stress on that syllable. Instead, it signifies that the vowel sound should be clipped short in the throat. (Iwà means slash as with a knife.) The technical term for this is a glottal stop or glottal catch. Speakers of English can compare this to the common exclamation that signifies shock or dread, “uh-oh!” where the first part, “uh-” is clipped and separated from the "oh". If there are no other accent marks in the word, stress the second last syllable. Here are more homonyms that involve the paiwà tuldik:

bata (bathrobe) > batà (child)
baga (ember) > bagà (lung)
suka (vomit) > sukà (vinegar)

Pakupyâ ^
The pakupyâ mark is a combination of the pahilís and the paiwà marks. It signifies a stress on the marked syllable and a glottal stop on the vowel. (A kupyâ is a Filipino hat or long ago, a helmet.) It is also found only on the final syllable of a word. Example:

basa (to read) > basâ (wet)
Hindi (an Indian language) > hindî (no, not)

Stress classifications of Filipino words
Filipino grammarians classify words according to how they are pronounced. Each pattern of stresses and glottal stops has a name. As stated earlier, these terms are not crucial for a student to learn Filipino pronunciation but they are useful as a kind of shorthand to describe the different types of words. These terms become more important when you study the mechanics of Filipino grammar.

Malumay or Banayad
Malumay words have no accent marks but there is a stress on the second last syllable. This class of word is so common that most dictionaries do not mark them with a pahilís tuldík. Examples:

babae lalaki Filipino kahapon lalamunan

Malumì words are pronounced the same way as malumay, with the stress on the second last syllable, but they also have a glottal stop on the final vowel. This is marked with the paiwà tuldík. Examples:

batà harì tanghalì malabò balità

Mabilís or quick words have a single stress on the final syllable which is signified by a pahilís tuldík. Examples:

isá bibíg tanóng talagá magandá

A maragsâ word is quick like a mabilís word with the stress on the final syllable but it also has a final glottal stop like a malumì word. Examples:

dagâ bigô salitâ salapî panibughô

A mariín or “stressed” word can contain the same stress pattern as any of the four types mentioned above but with an extra stressed syllable. Therefore there are four types of mariín words. Examples:

Mariíng Malumay > álinlangan líbangan
Mariíng Malumì > máaarì nakasísirà
Mariíng Mabilís > páaralán ináanák
Mariíng Maragsâ > dálitâ nagbíbirô

Malaw-aw is a very rare type of pronunciation that was more common in the days before the Spanish language influenced Filipino speech. It is marked with a hyphen or gitlíng instead of a tuldík. The gitling represents a glottal stop before the vowel of the final syllable. Examples:

tung-ol (a kind of banner) alíw-iw (babbling of water)
ig-ig (to shake up) bag-ang (molar)(variant)

An easy way to remember all the types of stress patterns is to remember that the name for each type is itself an example of the stress pattern that it describes ­ except for mariín.

Mga Sagót sa inyóng mga tanóng at
sarisaring káalamán tungkól sa wikang Filipino

Bundók - Boondocks?
Anó ang kakaibá sa salitáng bundók?

Sa dami ng salitáng hiníhirám ng wikang Filipino mulâ sa ibá pang mga wikà, ang salitáng bundók ay isáng salitáng hinirám namán ng wikang Inglés mulâ sa wikang Pinóy. Kilala natin itó bilang boondocks. Ganitó ang talâ sa Canadian Oxford Dictionary:

boondocks...n. N Amer. informal rough or isolated country; backwoods. [Tagalog bundok mountain]

Bukód sa payák na kahulugán ng bundók bilang mataás na lupà, alám nating may karagdagang kahulugán din itó kung sasabihin nating, "Para siyáng tagabundók!" Gustuhín man o hindî, itó ay nangángahulugáng hindî "sibilisado", hindî "disente" o waláng "class" ang ganitóng tao. Isáng promdi, ’ikà ngâ.
Ganitó ang ibig sabihin ng bundók nang mátutuhan itó ng mga Amerikano noóng ikalawáng digmaang pandaigdíg. Sa kaniláng pagkaintindí, ang salitáng bundók ay tumútukoy sa anumáng liblíb na lugár na malayò sa kabihasnán. Inampón nilá ang salitâ at itó ang nagíng katagáng Inglés na boondocks.

Noóng dekada 1950’s lumitáw ang salitáng boondockers. Itó ang tawag sa mga matitibay na sapatos o botas na pang-hiking. Malamáng na pinagmulán itó ng taták ng mga pantalon na Dockers na ngayón ay usung-uso. Marahil ay nakariníg na kayó ng salitáng boondocks sa isáng Canadian:

She works in the city but she lives way out in the boondocks (or boonies).

Sa wikang Inglés, walâ itóng himig pang-iinsulto. Kayâ, kapág nakariníg kayó ng salitáng boondocks sa isáng taong hindî Filipino, sabihin ninyó sa kaniyá, "Hey, you’re speaking my language!" At laging ipagmalakí ang wikang Filipino.


Alám ba ninyó na ang mga salitáng bansá, gurò at katárungan ay hindî taál na wikang Tagalog? Naisama ang mga itó sa wikang Pilipino noóng bandáng 1940’s dahil sa pantás-wikang si Eusebio T. Daluz. Kinuha niyá ang bansá at gurò sa wikang Maláy bilang kapalít ng mga salitáng Kastilang nacion at maestra o maestro; at ang katárungan namán ay hinangò niyá sa mga wikà ng Bisayà bilang kapalít ng Kastilang justicia. Ito’y dahil waláng katumbás sa Tagalog ang mga naturang salitáng Kastilà.
Sa Malaysia, ang kahulugán ng bangsa ay lahì o urì. Sa Indonesia namán, mas malapit ang katuturán nitó sa kahulugán ng bansá sa wikang Filipino.

Ang kahulugán ng ating salitáng gurò ay katulad ng guru sa mga wikà ng Malaysia at Indonesia. May ugát ang guru sa sinaunang wikang Sanskrit ng India at kinikilala rin itó sa wikang Inglés.

Ang salitáng ugát ng katárungan ay tarong na may kahulugáng tuwíd sa wikang Cebuano (o tarung sa Hiligaynon; katwiran). Ang ibig sabihin ng katarong ay mabaít o may mabuting asal. Mayroón ding taróng sa Tagalog ngunit ang ibig sabihin nitó ay unawà. Bihirang ginagamit itó at malayu-layò na ang kahulugán nitó sa kahulugán ng katárungan.

Ang tatlóng salitáng itó ay magagandáng halimbawà ng ginawang pagpapaunlád ng isáng wikà dahil bagama’t nápansín ni Daluz na may pagkukulang ang wikang pambansá, hindî siyá agád-agád humanap ng bagong salitâ sa isáng wikang banyagà. Sa halíp, binalingan muna niyá ang isáng wikang kapatíd ng Tagalog: ang wikang Cebuano o Sugbuhanon. Humanap din siyá ng mga salitâ sa ináng wikà ng lahát ng wikà sa Filipinas, ang Maláy.

Mayroón ding mga salitáng sadyáng hinirám mulâ sa ibá pang mga wikà sa Filipinas na hindî naipasok sa pang-araw-araw na wikà ng madláng tao.

Iminungkahì ni Isidro Abad, isáng kagawad ng dating Surián ng Wikang Pambansá (na ngayón ay Komisyon sa Wikang Filipino) na hiramín ang salitáng lunâ mulâ sa kaniyáng ináng wikang Cebuano (Sugbuhanon) upang palitán ang salitáng Kastilang lugár na hindî laging maitutumbás ng salitáng poók. Hinulapian itó ni Abad ng ­an para magíng lunaán at saká pinaiksî itó hanggáng sa magíng lunán. Nátanggáp ng Surián ang bagong salitâ at naisama rin itó sa mga diksiyunaryo o talásalitaan subalit hindî itó nag-click sa masa. Ngayón, matatagpuan ang salitáng lunán sa larangan ng balarilà lamang.

Nagmungkahì ang isá pang kagawad ng Surián na si Dr. Felix R. Salas ng pamalít sa salitáng Kastilang oras. Itó ang salitáng takna mulâ sa mga wikà ng Bisayas. Subalit hindî itó nátanggáp ng S.W.P. sa dahilán lamang na máipag-kakámalî ang tunóg nitó sa salitáng Tagalog na takdâ, lalò na kung magkakasama ang dalawáng salitâ sa takdáng taknâ kung ibig sabihing takdáng oras.

Ikinuwento ng batikáng pantás-wikang si Lope K. Santos sa kaniyáng aklát na “Makábagong” Balarilà? ang mungkahì ng isáng kasapi ng dating Samahán ng mga Mánanagalóg noóng panahóng 1920’s o 1930’s. Nais nitóng kasaping nagngangalang Fenoy, na gamitin sa Tagalog ang salitáng agturay bilang katumbás ng gobernadór at pantawag sa ibá pang matataás na katungkulan. Sa wikang Iloko, ang kahulugán ng agturáy ay pinunò o mamahalà. Ngunit napansín ng ilán na ang tunóg ng salitâ ay malapit sa katuray kayâ, hindî rin nagwagí ang mungkahì ni Fenoy.


Anó ang kahulugán at halimbawà ng "sáwikaín" at "sálawikaín"?
Pareho ang kahulugán ng sáwikaín at sálawikaín. Kung may kaibahán sa dalawá, ganitó ang aking palagáy.

Ang sálawikaín ay isáng pangkaraniwang kasabihán, kawikaán o bukambibíg ng madlâ. Ito ang tinatawag na idiom o idiomatic expression sa Ingles. Ang kahulugán ng mga itó ay hindî makikita sa mga salitâ lamang. Gayón pa man, nauunawaan nating lahát.

Halimbawà, kahoy lamang ang talagáng sinisibák ngunit ibá ang ibig sabihin kung tayo ay sisibakín sa trabaho. O kung may bumanggít sa isáng "kalapating mababà ang lipád", alám nating hindî ibon ang pinag-uusapan kundî isáng prostitute.

Ang sáwikaín namán ay mas mahabà at mas makahulugán. Ang tawag dito ay saying, proverb, adage o maxim sa Ingles. Napakarami ang mga itó. Heto ang isáng halimbawà: "Ang hindî lumingón sa pinanggalingan ay hindî makararatíng sa patutunguhan."

Sa Ingles, magkaibá ang mga kahulugán ng idiomatic expression at proverb. Sa Filipino namán, hindî malinaw ang kaibahán sa sáwikaín at sálawikaín. Ang dalawáng salitâ ay kapuwâ may dalawáng kahulugáng nábanggít. Kayâ, hindî ka magkakamalî, kahit alín sa dalawáng salitâ ang iyóng gamitin.


Banyaga-isasyón" ng wikang Filipino
May nagtanóng kung anó ang kahulugán at kung anó ang katumbás sa wikang Filipino ng iláng salitáng nagwawakás na may ...isasyón sa dulò. Mayroóng panlapì o affix sa Filipino na bagay na bagay bilang ipampalít sa Kastilang suffix na ...ización o ...ization namán sa Inglés. Sa Filipino itó ay pagsasa...Sa tingín ko, itó ay mas madalíng maintindihán ng karamihan. At hindî itó "tongue twister" sa mga katulad ko gaya ng ...isasyón. (Dahil ang unang wikà ko ay Inglés at nahihirapan akó rito. Laging gustóng lumabás sa aking bibíg ang tunóg ng "z" at "sh" sa halíp ng tunóg ng "s".) Náritó ang ilán sa ganitóng uring salitâ.


Itó ang pagsasagawâ ng pagbabago upang magíng moderno o makabago ang isáng bagay, lunán o tao. Sa iisáng salitáng Filipino lamang itó ay pagsasamakabago. Walâ pa yatà itó sa mga talásalitâan ngunit ang palagáy ko ay madalíng maunawaan itó kayâ, bakit hindî natin gamitin itó? Marami namáng wikà ang nagkakaroón ng mga bagong salitâ na may bagong kahulugán sa pamamagitan ng pagdugtúng-dugtóng ng mga dating salitâ at mga panlapì. Hindî kailangang laging kumuhà ng bagong salitâ sa mga wikang banyagà.


Itó ang pagsasagawâ ng plano, pamamaraán, pátakarán o batás upang magkaroón ng isáng pamantayan. Sa iisáng salitâ lamang: pagsasapamantayan.

Ang ibig sabihin namán ng pamantayan ay isáng kasunduang pangkalahatan ukol sa antás, kahusayan, hugis, atbp. ng isáng bagay. Halimbawà, noóng taóng 1868, nang itayó ang unang traffic light sa London, England, may mga taong nagpasiyá at nagkasundô na ang magiging kahulugán ng isáng ilaw na pulá sa kalsada ay dapat humintô ang mga sasakyán. Hanggáng ngayón, saanmán sa daigdíg, itó na ang pamantayan na alám nating lahat: ang "red light means stop" (at hindî blue light, green light, white light o polka dot light!)


Hindî ko kilala ang salitáng itó noón, magíng sa sarili kong wikà, hanggáng nabasa ko itó sa mga pitak at aklát tungkól sa wikang pambansá ng Filipinas. Alám kong ang ibig sabihin ng intellectual ay pangkaisipán o dî kayá'y isáng taong marunong. Kung ang pananáw o mga palagáy natin sa isáng bagay ay nakabatay sa ating kaisipán at hindî nagmumulâ sa ating damdamin, ang tawag dito ay intellectual. Halimbawà, kung "i-intellectual-IZE" natin ang kagandahan ng isáng babae, ang ibig sabihin ay pahahalagahán natin ang kaniyáng gandá batay sa mga pamantayan ng kagandahan at hindî batay sa ating damdamin sa pusò.

Kayâ kapág sinasabi ng mga di-umanó'y intellectual na ang kailangan ng wikang Filipino ay intelektwalisasyón, malamáng na ang ibig niláng sabihin ay kailangang itaás ang antás ng wikang Filipino upang magamit natin itó sa mga larangan ng kaisipán tulad ng aghám (science), panggagamót, sining, teknolohiya atbp. Ang aking mungkahì ay gamitin natin dito ang salitáng pagsasapangkaisipán. Alám kong napakahabà nitó ngunit waláng karapatáng umangal ang sinumáng mahilig gumamit ng mahahabang salitáng tulad ng intelektuwalisasyón!

At iba pa...
Polyglot: Ang kahulugán nitó ay maraming wikà o isáng taong maraming wikà ang alám. Ang Filipinas ay isáng polyglot na bansá. Si Jose Rizal ay naging isáng polyglot din. Itó ay mulâ sa Greek: poly = marami, glotta = dilà.