Return to the TAGALOG ArchiveForward to the Current TAGALOG discuss

senator16Tuesday 17th of May 2005 04:06:03 PM
Kaibigan, Pilipino, Kababayan - Ako'y lubusang humihingi ng paumanhin kung may mga tao mang nasaktan sa kapangahasan kong magbigay ng kaunting kasiyahan sa "website" na ito. Nguni't walang sinuman sa nabanggit na tao ang may karapatan upang sikilin at pagkaitan ang isang tulad kong naglalayon lamang gamitin ang kanyang karapatan sa pagpapahayag ng kanyang saloobin. Hindi rin ninyo maaaring kwestyonin ang aking pagiging makabayan sapagka't bilang isang Pilipino'y ipinakikita ko sa buong daigdig kung gaano kakulay at kaganda ang wikang Tagalog. Kaya nga't sa pamamagitan ng phrasebase.com ipinalalaganap ko ang ating pambansang wika lalo na sa mga banyagang may sinserong interes na matuto. Sa katunayan, ako'y mayroon ng isang dosenang mag-aaral ng Tagalog na karamiha'y Malayo at Indones.
Batid ko'ng may ilang 'di makauunawa sa akin. At iyo'y maluwat ko nang inaasahan.
dawn lorraineThursday 16th of June 2005 11:53:26 AM
- Hello senator! Ang galing-galing mo naman! Nakakainggit ang tatas mong managalog. Binasa ko rin yung English posts mo, ang galing! Talagang wala akong nakitang palya sa grammar (balarila ba tawang du'n?) mo. Naintindihan ko ang mga sinasabi mo, kasi, ako din nakakaramdam ng ganu'n.
alequin0923Monday 20th of June 2005 06:24:05 AM
Mga Komento - Senator, magandang araw sa iyo.

Lubos akong nagpapaumanhin kung may mga di pagkakaunawaang nangyari, 3 o 4 na linggo na ang nakalilipas. Natutuwa ako na may mga kapwa ko Pilipino na bukas-loob na nagtuturo at nag-aalay ng libreng panahon upang makapagturo sa mga kaibigan nating mga taga-ibang bansa na nagnanais na matuto ng ating napakagandang wika.

Huwag ka sanang tumigil sa pagbabahagi ng iyong mga magagandang leksiyon at nakatutuwang mga biro.

Hanggang sa muli at sana'y idagdag mo rin ako sa listahan ng iyong mga kaibigan sa Friendster.

Lubos na gumagalang.