Return to the TAGALOG ArchiveForward to the Current TAGALOG discuss

alequin0923Monday 17th of January 2005 10:56:38 PM
Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking)
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as resonators.)

Ponolohiya ng Filipino
PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig
"katinig means consonant and patinig means vowel"

Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W
Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H
Mga Patinig:
A, E, I, O, U

Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.

Halimbawa (Example):
aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.

Halimbawang salita (Example word):
bahaw, bahay, okoy, baliw

Morpolohiya (Morphology) - pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.

Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o panlapi.

Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko (Types of Morphophonemic Change)
1. Asimilasyon (Assimilation) - pagbabagong nagaganap sa huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na ponema. Kung ang ponemang pang ay ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m.
Halimbawa:
pang + balabal = pambalabal
pang + panitikan = pampanitikan
pang + kuha = panguha
pang + tabas = pantabas
2. Metasis - ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pag nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
in + layo = nilayo
in + yakap = niyakap
3. Pagpapalit ng ponema - kapag ang ponema ay nasa unahan ng salitang (d) ito ay karaniwang napapalitan ng ponemang (r) kapag ang huling ponema ng unlapi ay patinig.
Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dungis = marungis
4. Paglilipat-diin - ang mga salita ay nagbabago ng diin kapag nilalapian.
Halimbawa:
basa + hin = basahin
laro + an = laruan
5. Pagkakaltas ng ponema - nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + an = takipan - takpan
sara + han = sarahan - sarhan